Ito ay may kaugnayan sa mga probisyon sa concession agreement.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang utos sa 36th cabinet meeting kagabi sa Malakanyang.
Ayon kay Panelo, inatasan din ng pangulo ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na rebyuhin ang lahat ng kontrata at pinatatanggal ang mga probisyon na nakapipinsala sa buhay ng mga Filipino.
Nais kasi aniya ng pangulo na masiguro na napo-protektahan ang kapakanan ang buhay ng bawat Filipino.
Sa panig ni Justice Secretary Menardo Guevarra, sinabi nito na hindi ang pagkakapanalo ng Maynilad sa arbitration ang pinarerebyu ng pangulo kundi ang kasunduan.
“Not the award, but certain provisions of the concession agreement that unduly tie the hands of the republic,” pahayag ni Guevarra.
Una rito nanalo ang Maynilad kontra sa gobyerno kung saan ipinapasa sa mga customer ang pagbabayad sa corporate income tax.