Ayon kay NCRPO chief, Police Major General Guillermo Eleazar, itataas ang full alert status sa kanilang hanay.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Eleazar na kanselado na rin ang leave at walang day off ang mga pulis ng NCRPO.
Tuwing sumasapit ang Semana Santa, maraming bumibiyahe para umuwi sa mga lalawigan at magbakasyon.
Dumadagsa din ang publiko sa mga pilgrimage sites at iba’t ibang mga simbahan.
Sa ngayon ayon kay Eleazar, nasa heightened alert ang Metro Manila.
Bagaman walang malinaw at kumpirmadong banta, sinabi ni Eleazar na mabuti nang maging handa at maingat.
READ NEXT
LRT-2 may unlimited free rides sa mga beterano kasabay ng paggunita ng Philippine Veterans Week
MOST READ
LATEST STORIES