Parusang kamatayan iginawad na sa apat na drug traffickers sa Saudi Arabia

Apat na convicted drug traffickers ang isinailalim na sa execution sa Saudi Arabia.

Ayon sa interior ministry office ng Saudi, iginawad na ang parusang kamatayan sa apat na katao na kinabibilangan ng dalawang lalaking Pakistani, isang lalaking Yemeni at isang babaeng Nigerian.

Sila ay isinailalim sa execution sa Mecca City.

Dahil dito, umabot na sa 53 ang bilang ng mga nagawaran ng parusang kamatayan sa Saudi simula nang mag-umpisa ang taong 2019 ayon sa rekord ng Saudi Press Agency.

Noon taong 2018, umabot sa 120 ang nagarawan ng parusang kamatayan sa Saudi.

Read more...