Asawa ng Sinaloan cartel boss na si El Chapo, maglulunsad ng clothing brand na ipapangalan niya sa kaniyang mister

Maglulunsad ng kaniyang sariling clothing line si Emma Coronel Aispuro, ang asawa ng Sinaloan cartel boss na si Joaquin ‘El Chapo’ Guzman.

Sa kaniyang post sa Instagram, inanunsyo ng 29 anyos na asawa ni El Chapo na magkakaroon siya ng clothing line.

Aniya tatawagin niya itong JGL na initials ng kaniyang mister.

Nanawagan na rin si Coronel sa mga interestadong designer na makipag-ugnayan sa kaniya.

Si Coronel ay isang travel blogger.

Sina El Chapo at Coronel ay mayroong kambal na anak na 7 taong gulang.

Bago ito mayroon nang nailunsad na cloting line na ang brand name ay “El Chapo 701”. Ang may-ari naman nito ay ang nagpakilalang anak na babae ni El Chapo na si Alejandrina Guzman.

Read more...