Simula kahapon, April 1 ay 35 cubic meters per second na lamang ang patubig para sa mga lupang pansakahan mula sa average na 43 cubic meters per second.
Nauna nang ibinabala ng PAGASA na posibleng maabot ng Angat Dam ang 180-meter mark o critical level sa katapusan ng Abril.
Ayon kay NWRB executive director Sevillo David, walang masyadong epekto sa agrikultura ang supply reduction dahil nasa kalagitnaan na ng planting season ang mga magsasaka at sa ganitong panahon anya ay mas kaunting tubig ang kailangan.
Ang irrigation supply naman sa ilang bahagi ng Bulacan at Pampanga ay nakatakda na ring bawasan ngayong buwan ayon sa National Irrigation Administration.
Ayon kay NIA Central Luzon director, Josephine Salazar, hindi maapektuhan ng gagawing pagbawas sa suplay ng tubig ang mga sakahan sa dalawang lalawigan dahil nagsimula nang mag-ani ang mga magsasaka.