Ayon kay Agriculture Director Chris Morales, ang mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ay maaaring mabigyan ng tulong pinansyal mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.
Maaari rin umanong mag-avail ang mga magsasaka ng survival recovery funds sa pamamagitan ng P5,000 grant at P15,000 na soft loans maging ng mga fertilizers at pananim sa kasagsagan ng planting season.
Sinabi ni Morales na pinakaapektadong agricultural products ang palay at mais.
Iginiit ng opisyal na sinusubukan ng DA na sagipin ang ilang mga lugar sa pamamagitan ng water management.
Mayroon ding ipinahihiram na pumping engine ang field offices ng kagawaran para sa mga magsasaka.
Ayon pa kay Morales, tuloy-tuloy din ang koordinasyon ng DA sa PAGASA at Air Force para sa pagsasagawa ng .