Ito ang ipinahayag ni Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr., sa kabila ng pagtanggi ng militar at pulisya na may presensya na ng ISIS sa Mindanao.
Ayon sa alkalde, dati nang nakararating sa kanya ang naturang impormasyon ngunit nakumpirma lamang sa pagkamatay ng tatlo saw along katao sa operasyon sa Palembang, Sultan Kudarat noong nakaraang linggo.
Pawang mga taga-Cotabato aniya ang tatlo sa mga nasawi na sinasabing mga miyembro ng Ansar al-Khalifa Philippines.
Batay pa aniya sa kanyang natanggap na impormasyon, nasa 30 pang mga kabataang taga-Cotabato ang nakumbinsi ng grupo na umanib sa kanilang kilusan kapalit ng pera at pagkain.
Sa kabuuan aniya, umaabot na sa 1,000 ang mga na-brainwash ng grupo sa buong Central Mindanao na karamihan ay mga out-of-school youth.