Sa gitna ito ng mga pangamba na naaagaw ng mga Chinese ang mga trabahong dapat ay para sa mga Filipino.
Sa isang pahayag araw ng Lunes, sinabi ni Zhao na hindi pinapayagan ng China na iligal na magtrabaho ang kanilang mga mamamayan sa ibang bansa ngunit dapat ay propesyonal itong solusyonan ng Pilipinas.
“It’s up to you to deal with the issue in accordance with your law. But as we’re dealing with the illegal foreign nationals illegally working in China, we also follow our laws and procedures,” ani Zhao.
Anya, gusto ng China na itrato ng Pilipinas ang kanilang mga mamamayan sa kaparehong paraan na gusto ng Pilipinas na itrato ng China ang mga Filipino na iligal na nagtatrabaho roon.
“We would also call on the law enforcement agencies here to deal with this issue professionally. You have to take into consideration the humanitarian needs of those Chinese nationals as we are doing exactly when it comes to Filipinos working illegally in China,” giit ng Chinese official.
Aminado si Zhao na may mga illegal Chinese workers sa bansa at sinabi nito na maayos itong tinutugunan ng gobyerno ng China at Pilipinas dahil sa malalim nitong ugnayan.
Samantala, nangangamba naman si Zhao sa umano’y posibleng exploitation sa mga Chinese nationals sa mga illegal gambling operations sa bansa.
Nanawagan ito sa gobyerno sa istriktong pagbabantay sa sitwasyon at pagpapanagot sa mga responsable sa iligal na gawain.