2 pekeng traffic enforcers, arestado sa Makati

Inaresto ng pulisya ang dalawang lalaki na nagpanggap na mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Makati City Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Major Howell Joseph Greñas ng Highway Patrol Group (HPG), naaktuhan nila ang mga suspek na nagbibigay ng security sa isang negosyante.

Ang mga suspek ay nakasuot pa ng uniporme ng MMDA at gumamit ng mga blinker at sirena.

Ayon sa dalawa, dati silang mga empleyado ng MMDA.

Pero umamin din ang mga ito na 1 taon na silang wala sa serbisyo.

Mahaharap ang dalawa sa kasong usurpation of authority at illegal use of sirens and blinkers.

Read more...