7 katao nailigtas sa lumubog na bangka sa Cagayan River

Nasagip ang pito katao makaraang lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Cagayan River, araw ng Linggo.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), patungo sana ang bangka sa Aparri mula sa Camiguin Island.

Batay sa imbestigasyon, umalis ang bangka dakong 8:20 ng umaga at lumubog dahil sa malalakas na alon sa Cagayan River.

Nagkasa ng seach and rescue operation ang Coast Guard Station Cagayan, Coast Guard Medical Clinic-North Eastern Luzon at Special Operation Unit sa lugar.

Nakilala ang mga pasahero na sina Alma Grace Duerme, Lenie Erece, Levie Erece, Jessabelle Calanoga, Janin Abuyuan at isang apat na taong gulang na bata.

Read more...