Isa pang supplier ng iligal na droga sa Metro Manila timbog

Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – NCR ang isa pang umano’y supplier ng iligal na droga sa Metro Manila.

Nagsagawa ng buy bust operation laban sa suspek na si alyas ‘Abel’ sa Baseco Compound, Port Area, Maynila Lunes ng gabi.

Ayon kay PDEA-NCR Regional Director Joel Plaza, nakuha sa suspek ang nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Pawang mga taga-Metro Manila umano ang parokyano ni Abel.

Pinakamaliit umano nitong binabagsak sa kanyang mga parokyano ay 100 gramo ng shabu.

Ani Plaza, dalawang linggo pa lang ang nakalilipas ng itimbre sa kanila ang iligal na gawain ni Abel at nagpositibo agad ang kanilang transaksyon.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa suspek partikular ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...