Bodega ng pagawaan ng cupcake sa Antipolo, nasunog

Credit: Jakey Jakey Palentino

Sumiklab ang apoy sa warehouse ng pagawaan ng cupcake sa Sumulong Highway, La Colina Subdivision sa Barangay Mambungan, Antipolo City Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Antipolo, nagsimula ang sunog alas 6:30 ng gabi.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog.

Hindi agad naapula ang apoy dahil nahirapang pumasok ang mga bumbero bunsod ng masikip na kalsada.

Dakong 8:10 ng gabi nang magdeklara ng fire out.

Wala namang naitalang namatay o nasugatan sa sunog.

Iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng naabong ari-arian.

Sa Facebook video ni Jakey Jakey Palentino, makikita ang naglalagablab na apoy.

Ilang katao naman ang nanonood habang nilalamon ng apoy ang warehouse na nasa loob ng subdivision.

 

 

Read more...