Jim Paredes sinabing peke ang umanoy kanyang sex video

Sinagot ng singer na si Jim Paredes ang alegasyon na mayroon siyang sex video na kumakalat sa social media.

Tumugon ang dating Apo Hiking Society singer sa mga tweet na nagtanong kung totoo o hindi ang video.

Kumakalat online ang screenshots ng video kung saan makikita ang isang lalaki na nakalabas ang dila at umanoy may kalaswaang ginagawa.

Ilan ang nagsabi na kamukha ni Paredes ang lalaki sa larawan dahil pareho ang mga marka sa mga katawan gaya ng tattoo sa braso at nunal sa dibdib.

Sa tweet ng netizen na si Joseph Dominic, tinanong nito kung fake yung video ni Paredes at kung sino ang sponsor nito.

Pero ang tanging sagot ng singer ay “fake” ang video.

Read more...