PCG: Mga bakasyunista mag-ingat sa summer outings

Pinaalalahanan ang mga bakasyunista na mag-ingat sa kanilang itinakdang summer outings.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dapat tiyakin ng mga bakasyunista ang pupuntahang resort kung may lifeguard at kung mayroong first aid station.

Sinabi pa ng P-C-G na alamin ang safety regulations sa mga beach o resort.

Bago mag-swimming sa dagat o pool, sigurado rin anilang mayroong net, flag signal at lugar.

Huwag din anilang mag-swimming nang mag-isa o kung nakainom.

Dagdag pa ng ahensya, alamin ang mga emergency number at medical centers sa lugar.

Read more...