Luzon Grid isinailalim sa Yellow Alert dahil sa manipis na reserba ng kuryente

Isinailalim sa Yellow Alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid.

Epektibo ang Yellow Alert sa Luzon, alas 10:00 hanggang alas 11:00 ng umaga, Lunes, April 1 dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Mamayang alas 2:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon ay iiral ulit ang Yellow Alert.

Ayon sa NGCP, nagkaroon ng forced outage sa ilang mga planta ng kuryente partikular ang Masinloc 2 (344MW).

Mayroon ding unplanned outages ang iba pang planta ng kuryente gaya ng Pagbilao 1 (382MW), SLTEC 1 (150MW) at Malaya 2 (350MW).

Read more...