Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol sa 49 kilometers northeast ng Loreto alas 10:16 ng umaga ng Lunes, April 1.
Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 31 kilometers.
Naitala ang sumusunod na intensities bunsod ng nasabing pagyanig:
Intensity V – Loreto, Dinagat Islands
Intensity IV – Silago, Southern Leyte
Intensity III – Surigao City; San Jose, Dinagat Islands; Limasawa, San Francisco, San Juan,
Hinunangan at sa Maasin City, Southern Leyte; Tacloban City; Ormoc City, Palo, Hilongos, Bato, Hindang, Babatngon, Javier, MacArthur, Tanauan, Matalom, Abuyog, Isabel, Capoocan at Dagami, Leyte; at sa Lawaan, Eastern Samar
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Borongan City
Intensity III – Surigao City
Intensity II – Palo, Leyte
Intensity I – Talibon, Bohol; Roxas City; Gingoog City’
Ramdam din ang pagyanig sa Calbayog City.
Sa video na kuha ng Radyo Inquirer, kita ang pag-uga ng nakasabit na frame sa pader sa isang bahay sa Calbayog City nang maganap ang lindol.