Reaksyon ito ng pamunuan ng PNP matapos sabihin ng Commission on Human Rights (CHR) na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa insidente.
Sinabi sa Radyo Inquirer ni PNP spokesman P/Col. Bernanrd Banac, na handa ang PNP sa anumang imbestigasyon at handa silang tumugon sa mga kumukwestyon sa pagiging lehitimo ng operasyon.
Sinabi ni Banac na malayo sa katotohanan ang mga alegasyong masaker ang nangyari.
Sa magkakahiwalay na lugar aniya nangyari ang insidente, at sa katunayan ay mayroon ding isang pulis na nasugatan sa operasyon.
Handa rin ang PNP na iprisinta ang mga ebidensya at rekord ng ginawang operasyon.