EB hosts, nakadaupang-palad si Apo Whang-od, ang nag-iisang traditional tattoo artist sa Kalinga

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga host ng Eat Bulaga na makadaupang palad si Apo Whang-od, ang nag-iisa na lamang na traditional tattoo artist sa bansa.

Nag-shoot kasi ng EB Lenten Specials ang ilang host ng noontime show sa Kalinga.

Sa post sa Instagram, ibinahagi nina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza ang larawan kasama ang 102 year old na “mambabatok”.

Hindi naman nakaligtas si Ballesteros sa mabilis na kamay ni Apo Whang-od.

Sa ibinahaging larawan ni Paolo, makikitang nakahawak si Apo Whang-od sa kaniyang shorts malapit sa kaniyang ari, habang sila any nagse-selfie.

Naging biru-biruan noon na ang ginagawang ito ni Apo Whang-od sa kaniyang mga nakakasalamuhang lalaki ang dahilan kaya humahaba pa ang kaniyang buhay.

Read more...