Maine Mendoza tumanggap ng parangal sa kumpanyang gumagawa ng Barbie dolls

Isa si Maine Mendoza sa binigyan ng pagkilala ng Mattel Philippines, ang kompanyang gumagawa ng mga Barbie doll.

Kasabay ito ng ika-60 anibersaryo ng sikat na manikang si Barbie.

Tumanggap si Maine ng dalawang pagkilala bilang Most Inspiring Woman in The Philippines at Most Inspiring Celebrity.

Kamakailan ay nag-celebrate ang iconic doll ngkanyang 60th years at kasabay nito ang pagkilala sa mga kababaihan na nagpapakita ng kagandahan hindi lamang sa ugali kundi maging sa kanilang career.

Ang nasabing parangal ay ibinahagi sa instagram ng manager ni Maine na si Rams David at maging sa IG story ni Maine.

Read more...