Online viewing ng resulta ng UPCAT may delay ng ilang oras dahil sa technical problem

Inanunsyo ng University of the Philippines (UP) na nagkaroon ng delay ng ilang oras ang online viewing ng resulta ng UP College Admission Test.

Dapat sana ay available na online resulta ng UPCAT umaga pa lang ng Lunes, Apr. 1.

Pero ayon sa pamunuan ng UP, ang online viewing nito ay ilang oras na na-delay.

Nakararanas umano sila ng technical difficulties dahil sa pagpapalit ng bagong sistema.

Naging available naman agad ang listahan ng mga successful applicants sa UP System Office of Admissions sa UP Diliman sa QC.

Bandang ala 1:00 ng hapon naman ay naging available na rin ang resulta sa online.

Read more...