Nasawi matapos pagbabarilin ang Grammy-nominated rapper na si Nipsey Hussle sa labas ng kaniyang clothing store sa Los Angeles.
Sa ulat ng Los Angeles Times, ang rapper na ang tunay na pangalan ay Ermias Davidson Ashedom, 33 anyos ay nagtamo ng maraming tama ng baril.
Dalawang iba pa ang nasugatan sa pamamaril sa kaniyang Marathon Clothing Company.
Noong nakaraang taon nang ilabas ni Nipsey Hussle ang kaniyang unang album na “Victory Lap”.
Agad itong na-nominate bilang best rap album sa Grammy Awards, pero tinalo siya ng album ni Cardi B na “Invasion of Privacy”.
Lumagda din siya ng kontrata sa Atlantic Records ay nag-perform sa Warner Music party sa Los Angeles noong Grammy Week.
MOST READ
LATEST STORIES