Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 45 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas-6:59
umaga ng Lunes (April 1).

May lalim na 176 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...