LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, Apr. 1

Patuloy na nababawasan ang antas ng tubig sa mga dam sa Luzon.

Sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Lunes, April 1, ang Angat dam ay nasa 192.76 meters ang water level.

Nabawasan ito ng .38 meters kumpara sa antas ng tubig nito kahapon ng umaga na 193.14 meters.

Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.53 meters ang water level ngayong umaga, mas mababa kumpara sa 68.55 meters kahapon.

Nabawasan din ang water level sa iba pang mga dam sa Luzon, gaya ng Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Read more...