Dagdag na kontribusyon ng mga miyembro ng SSS umpisa na ngayong araw

Epektibo na ngayong araw, April 1 ang dagdag sa kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Ang 1 percent na dagdag ay magreresulta sa 12% nang buwanang kontribusyon ng mga SSS member.

Ayon sa SSS, para sa isang empleyado na kumikita ng P10,000 ay P400 na ang magiging monthly contribution niya mula sa dating P363.30.

Ang employer naman niya ay magre-remit na ng P800 sa halip na P737.70.

Ayon sa SSS, risonable ang nasabing increase dahil malaking tulong ito sa mga miyembro lalo na sa panahon ng kanilang pagreretiro.

Itinaas din ang minimum at maximum salary credits ng mga miyembro.

Read more...