Dalawang piloto ng US Marine Corps, patay sa pagbagsak ng helicopter sa kasagsagan ng training sa Arizona

Iniimbestigahan ngayon ng U.S Marine Corps officials ang pagkamatay ng dalawa nilang piloto matapos ang helicopter crash sa kasagsagan ng kanilang training mission sa Arizona.

Sa pahayag ng Marine Corps Air Station, bumagsak ang AH-1Z Viper sakay ang kanilang dalawang piloto na hindi muna pinangalanan dahil iimpormahan pa ang kanilang pamilya.

Nangyari ang chopper crash sa training grounds ng Marine Corps Air Station Yuma.

Ang naturang training ground ay isa sa pinakamalalaking military installation sa mundo.

Read more...