Hinarang ng security guard ang suspek habang papalabas ito ng condo unit.
Bitbit pa ng lolo ang ninakaw na iPad nang siya ay sitahin ng gwardya.
Ayon sa Pasay City police matagal nang suspek sa pagnanakaw ang lolo.
Nakuhanan na kasi umano ito sa mga surveillance footage sa mga pinapasok nitong condominium unit na kaniyang pinagnanakawan.
Payo naman ng mga otoridad sa mga condo unit owner, huwag basta-basta iiwang bukas ang kanilang pintuan kahit na sa malapit lamang o saglit lamang na aalis.
MOST READ
LATEST STORIES