Ayon sa PAGASA, ang frontal system ay maghahatid ng mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan at Batanes.
Sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, bahagyang maulap na kalangitan lamang ang mararanasan.
At sa iba pang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon at mababa ang tsansa ng pag-ulan.
Samantala, ang buong Visayas naman ay makararanas ng maaliwalas na panahon at mababa rin ang tsansa ng pag-ulan.
Ang buong Mindanao ay makararanas lamang ng isolated na thunderstorms sa hapon o gabi.
MOST READ
LATEST STORIES