Floyd Mayweather nagbabakasyon ngayon sa Boracay

Nagbabakasyon ngayon sa Boracay ang retiradong boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Sa post sa Instagram ng managing diretor ng kumpanyang Vans na si Wendell Cunanan, dumating sa bansa kahapon ng umaga si Mayweather sakay ng kaniyang parivate jet na “Air Mayweather”.

Sa five-star hotel na Mövenpick Resort & Spa tumutuloy ang boxer.

Bago dumating ng Pilipinas, sinabi ni Mayweather na magtutungo siya sa bansa para mag-relax at mag-enjoy pero hindi nito binanggit kung saan eksakto siya pupunta.

May mga balita namang maaring makipagkita si Mayweather kay Senator Manny Pacquiao.

Read more...