2 pang Pinoy acts may tyansang makapasok sa AGT Finals

Dalawang Filipino acts pa ang may tyansang makapasok sa grand finals ng “Asia’s Got Talent” sa Marina Bay Sands, Singapore.

Una nang nakapasok sa grand finals ang dalawa pang Pinoy acts na Shadow Ace at Junior Good Vibes.

Sa episode ng AGT noong Huwebes, March 28, nagpakitang gilas ang magkasintahang sina Anjanette at Gervin o ang Power Duo ang sibling duo na sina Harrah Kaym at Hannah Korin o ang HK Sisters.

Ang Power Duo ay ang grand winner ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 5 noong 2016.

Sa semifinals noong Huwebes, sumayaw ang duo sa saliw ng tugtog na ‘Say Something’ ng ‘A Great Big World’.

Ayon kay David Foster, deserved ng Power Duo na makaapak sa stage ng Asia’s Got Talent at ikinampanya pa niya ang dalawa upang makapasok sa grand finals.

Ang HK Sisters naman na nagwagi ng mga parangal sa World Championships of Performing Arts ay inawit ang ‘Nella Fantasia’ ni Sarah Brightman.

Pinuri ni NAggun ang performance ng dalawa na anya’y nagpantindig ng kanyang mga balahibo.

Nagsara ang botohan para sa mga susunod na makakapasok sa grand finals alas-11:59 kagabi.

Ang mananalo sa AGT ay magkakamit ng $100,000.

Read more...