Sunog sumiklab sa Makati City Science High School

Contributed photo

Isang sunog ang sumiklab sa bahagi ng Makati City Science High School pasado alas-11:00 ng gabi ng Linggo.

Ayon kay Makati City Fire Mashall Fire Supt. Roy Quisto, sumiklab ang apoy sa Room 611, sa ikaanim na palapag ng gusali.

Alas-11:19 nang itawag sa mga bumbero ang sunog at agad na itinaas sa unang alarma alas-11:25 ng gabi.

Ani Quisto, mabuti na lamang at maganda ang pagkakagawa sa bawat classroom na mayroong mga firewall kaya’t hindi kumalat ang sunog.

Wala ring tao sa loob nang mangyari ang insidente.

Nasa P20,000 ang tinatayang pinsala ng sunog na idineklarang fire out ang sunog alas-11:52 ng gabi.

Patuloy na inaalam kung ano ang sanhi nito at kung gumana ba ang sprinklers ng gusali.

Read more...