Kita ng horror movie na ‘Eerie,’ umabot sa P40M sa loob ng 4 na araw

Photo grab from Star Cinema management’s official Instagram account

Kumita na ng P40 milyon ang horror-thriller movie na ‘Eerie’ sa loob lamang ng apat na araw.

Sa Instagram, nagpasalamat ang Star Cinema management sa inabot na kita ng pelikula sa pagsisimula ng showing nito noong March 27.

Pinagbidahan ang pelikula nina Charo Santos-Concio at Bea Alonzo sa ilalim ng direksyon ni Mikhail Red.

Maliban sa dalawang batikang aktres, tampok rin sa horror film sina Jake Cuenca at Maxene Magalona.

Unang inilabas ang ‘Eerie’ sa world premiere nito sa Singapore International Film Festival noong December 2018.

Read more...