Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Panelo na tutulungan ng pamahalaan ang sinumang nangangailan nito lalo na sa mga nais mahinto sa paggamit o pagbebenta ng droga.
Mayroon aniyang dalawang paraan para mahinto ang ilegal na tranaksyon ng droga sa bansa. Una, sirain ang mga kagamitan at pangalawa, ipa-rehabilitate ang mga lulong sa droga.
Payo ni Panelo sa mga artista, mas makabubuting boluntaryong magpa-rehabilitate para hindi manganib ang kanilang mga tagasuporta at karera.
Matatandaang nais ng Philippine National Police (PNP) at Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isapubliko ang listahan kasunod ng pagkamatay ng umano’y bigtime drug supplier na si Steve Pasion sa buy-bust operation noong Pebrero.