Councilor sa Negros Occidental, patay sa ambush

Patay ang tumatakbong councilor sa pamamaril sa Moises Padilla, Negros Occidental Linggo ng umaga.

Pinagbabaril ng mga armadong lalaki ang biktimang si Councilor Jolomar Bañares-Hilario, 51-anyos, habang natutulog sa kaniyang bahay sa Barangay Inolingan bandang 6:00 ng umaga.

Batay sa ulat ng pulis, dumating ang mg armadong lalaki sakay ng isang truck na sinasabing miyembro sila ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa nakasaksi, dumeretso ang mga armadong lalaki sa kwatro ng biktima para barilin ito.

Hindi naman sinaktan ang asawa ni Hilario na si Michelle, barangay captain sa lugar, at mga anak nito.

Matapos ang insidente, agad nagtungo ang asawa at mga anak ng biktima sa Barangay Quintin Remo.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril ang biktima sa kaniyang mukha at katawan kasama ang bahagi ng leeg nito.

Dinala pa si Hilario sa Enrico Roa Elumba Clinic ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Read more...