Speaker GMA, nakapulong si Chinese Premier Li sa Boao Forum sa China

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Nakipagpulong si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kay Chinese Premier Li Keqiang sa idinaos na Boao Forum for Asia (BFA) annual conference 2019.

Dinaluhan ang conference ng iba pang opisyal mula sa BFA sa Hainan, China.

Ayon kay Arroyo, natalakay sa pulong ang Chinese flagship project na “Globalization V.2” o mas kilala bilang Belt and Road Initiative na layong paigtingin ang kooperasyon at pag-unlad ng buong Asia.

Ipinakita aniya ng China na maaring gumamit ng ibang paraan sa pag-unland sa pamamagitan ng sariling karanasan.

Ito na ang ikalawang taon ni Arroyo bilang miyembro ng board ng BFA.

Read more...