James Harden, muling nakapagtala ng 50-point triple-double vs Kings

Nakapagtala ng 50-point triple-double ang NBA superstar na si James Harden para sa koponan ng Houston Rockets.

Dahil dito, natalo ng Rockets ang Sacramento Kings sa iskor na 119-108 sa Toyota Center.

Ito na ang ikalimang 50-point game ni Harden matapos makapagtala ng 50 points, 11 rebounds at 10 assists sa laro.

Naipasok ni Harden ang dalawang free throws sa nalalabing 48.8 seconds dahilan para makamit ang triple-double sa laro.

Samantala, nagdagdag naman ng 24 points at 15 rebounds si Clint Capela habang 22 points at 5 assists kay Chris Paul para sa koponan.

Read more...