Layon nitong personal na makita ang sitwasyon ng trabaho sa mga opisina ng mga ahensya ng gobyerno.
Sa pamamagitan ng ipinadalang liham, sinabi ni CSC commissioner, Atty. Aileen Lizada, na humiling ang ilang kalihim na isama ang mga pinamumunuang tanggapan sa listahan ng mga target daanan ng ahensya.
Naniniwala aniya ang mga kalihim na malaking tulong ang hakbang para mapaigting at mapabuti pa ang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno sa publiko.
Sa huling pag-iikot ng CSC, matatandaang nadiskubre ng ahensya ang paglalaro ng mobile games ng ilang empleyado habang naka-duty at pagbebenta ng prangkisa ng isang tauhan ng Land Transportation Franchising and Rregulatory Board (LTFRB) sa halagang P700,000.