Nasungkit ng Far Eastern University o FEU ang kampeonato sa katatapos na UAAP Season 78 Mens’ Basketball Championship laban sa University of Sto. Tomas (UST) sa score na 62-67.
Matapos ang sampung taon ay masayang masaya ang buong Tamaraw fans dahil sa muli nilang nakuha ang korona matapos ang dikitang laban kontra sa Growling Tigers.
Sa unang quarter ay lumamang ng isang puntos ang UST sa FEU 19-18.
Samantala sa pagtatapos ng unang half, tinabla ng UST ang 30 points na ginawa ng FEU kung saan ay naging mababa ang scoring ng magkabilang panig dahil sa mahigpit na depensa.
Sa pagsisimula naman ng 3rd Quarter ay hindi nagpatinag ang UST nang muling makabangon sa limang puntos na kalamangan ng FEU.
Ngunit dahil sa pagiging desidido ng Tamaraw na maipanalo ngayon ang kanilang laro kaya humataw na ang mga ito sa huling oras na kanilang laban.
Hanggang sa huling yugto ay naging mainit ang depensa ng magkabilang panig habang nagpapalitan sila ng puntos.
Sa huling kalahating minuto ng laban ay biglang nagpakawala ng sunod-sunod na puntos ang Tamaraw hanggang sa tuluyan na nilang ilampaso ang UST.
Sa huli ay napiling Finals MVP si Mac Belo ng FEU Tamaraw na kumamada ng 28-points at 8 rebounds.