Magpapatupad ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng Two-week moratorium sa lahat ng mga road repairs sa buong Metro Manila ngayong panahon ng kapaskuhan.
Inatasan na ni MMDA Officer-in-Charge Emerson Carlos si Traffic Engineering Center director Noemi Recio na ipatupad ang moratorium simula sa gabi ng December 14 hanggang sa January 3 2016.
Layunin ng pagpapatigil ng road repair na mabawasan ang inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga lansangan habang papalapit ang kapaskuhan.
Sa kasalukuyan ay aabot sa 146 projects ang ginagawa ng Department of Public Works and Highways sa buong Metro Manila.
Bukod sa pagsaa-ayos ng mga lansangan at mga pagpapatayo ng mga poste ng ilaw, kasama rin ang DPWH sa paglilinis ng ilang estero sa kalakhang Maynila.
Sakop ng nasabing kautusan ang paghuhukay ng mga private companies tulad ng mga water concessionaires at telecommunication companies.
Kakausapin din ng MMDA ang mga Local Government Officials (LGUs) na ipagpaliban muna nila ang kanilang mga proyekto para hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.