Itbayat, Batanes tinamaan ng magnitude 3.4 na lindol

Phivolcs photo

Niyanig ng magnitide 3.4 na lindol ang Batanes, Linggo ng hapon.

Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang lindol sa layong 129 kilometers Southwest ng Itbayat dakong 1:00 ng hapon.

May lalim itong 58 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ng pagyanig.

Read more...