Isang graduating student, arestado matapos mahulihan ng marijuana sa LRT

Timbog ang isang graduating student mula sa San Beda College makaraan itong makuhaan ng marijuana sa Light Rail Transit o LRT-2 sa Maynila.

Ayon kay Police Capt. Edwin Fuggan ng Sampaloc police station, nakita ng isang gwardiya ang marijuana sa loob ng hair wax nito matapos dumaan sa X-ray machine na sumusuri sa mga bagahe papasok ng Legarda station.

Tumanggi naman ang estudyante na magbigay ng pahayag ukol sa insidente.

Sa ngayon, nakakulong ang suspek sa Manila Police District (MPD) Sampaloc Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...