Ito ay simula nang ipatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang gun ban para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Regional Director Brig. Gen. Eliseo Rasco, nakuha ang mga armas sa iba’t ibang police operations tulad ng checkpoints at paghahain ng search at arrest warrants mula January 13, 2019.
Nakuha ang mga armas mula sa mga probinsya ng South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani.
Mayroon ding mga narekober na armas sa General Santos City, Cotabato, Koronadal, Tacurong at Kidapawan na bahagi ng Soccsksargen.
Gayunman, sinabi ng opisyal na walang election-related violence na naganap sa naturang rehiyon.
Umaasa si Rasco na mapananatili ang maayos na sitwasyon ngayong election period.
Kasabay ng aksyon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), hinikayat ni Rasco ang publiko na makipagtulungan para sa kanilang komunidad.