Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Surigao del Sur, Linggo ng umaga.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 24 kilometers Northeast ng Cagwait dakong 5:56 ng umaga.
May lalim ang lindol na 18 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES