Concert tour ng Rolling Stones sa US, Canada naantala

Naantala ang nakatakda sanang concert tour ng rock band na Rolling Stones sa Amerika at Canada.

Ito ay dahil kinakailangang dumaan ng singer ng banda na si Mick Jagger sa isang medical treatment.

Sa Twitter, inihayag ng 75-anyos na rock star na ikinalulungkot nito ang pagkaantala ng concert.

Sa inilabas na pahayag ng publicist ng grupo, inabisuhan ng mga doktor si Jagger na magpagaling muna bago muling mag-perform.

Humingi naman ng paumanhin si Jagger sa kaniyang mga fans sa America at Canada na nakabili na ng tickets sa concert.

Nangako rin ang singer na agad magpapagaling para makabalik sa entablado.

Inilipat ang iskedyul ng North American tour mula April 20 hanggang June 29.

Read more...