Petron Tri-Activ Spikers wagi vs United VC sa PSL Grand Prix

Naipanalo ng Petron Tri-Activ Spikers ang 14 laro sa elimination round matapos matalo ang United VC sa loob ng tatlong set sa Philippine Superliga Grand Prix sa Filoil Flying V Center.

Umarangkada sa Petron sina Stephanie Niemer sa iskor na 24 points habang 19 points naman ang naiambag ni Kath Bell.

Ani Niemer, itinuturing ng koponan ang kanilang bawat laro bilang isang bagong season.

Sa pagsisimula ng playoffs, dapat lang aniyang manatili ang lebel ng paglalaro ng Blaze Spikers.

Samantala, kailangan ng Petron na manalo nang lima pang laro para makamit ang walang talong record ngayong conference.

Matatandaang naipanalo rin ng koponan ang 13 laro sa All-Filipino Cup taong 2015.

Read more...