General election, target ni PM May dahil sa pagkabigo ng Brexit

Target ni British Prime Minister Theresa May ang pagsasagawa ng general election kasunod ng kabiguan ng Brexit deal.

Ang posibilidad ng bagong general election sa United Kingdom ay sa gitna ng krisis sa proseso ng pagkalas ng UK bilang miyembro ng European Union (EU).

Sa ikatlong pagkakataon ay ibinasura ang deal ni May sa ginawang botohan ng parliament.

Dahil dito ay plano ng kampo ni May na muling magkaroon ng bagong istratehiya gaya ng isa pang botohan.

Sa April 12 ay nakatakda ang bagong deadline sa bagong opsyon para idulog ang Brexit deal sa House of Commons.

Read more...