Nadine Lustre, masaya na kilala siya sa Indonesia

Itinuring ni Nadine Lustre na “nice surprise” na kilala at pinagkaguluhan siya maski sa Indonesia.

Bago ang isang event ay sandaling namasyal si Nadine sa isang mall para bumili ng ilang gamit.

Unang pagkakataon ito na nakapunta ang aktres sa Indonesia at ilang locals anya ang nakakilala sa kanya.

Masaya si Nadine na may ilan siyang supporters sa ibang bansa na hindi naman mga Pilipino.

Ang pagkakilala kay Nadine ay maaaring resulta ng dati nilang show ni James Reid na ipinalabas sa Indonesia mula 2016 hanggang 2017.

Nabatid na naging popular ang programa ng dalawa sa mga dalagita at high school students sa Indonesia.

Sa susunod na mga linggo ay itutuloy ni Nadine ang shooting sa Indak na isang dance-themed movie na pagbibidahan nila ni Sam Concepcion.

Read more...