Japanese students, nalunod sa isang Australian tourist island

Dalawang Japanese students ang nalunod sa isang popular tourist island sa Australia habang nasa school tour ang mga estudyante.

Matapos maireport na nawawala ang dalawang estudyante ay nagsagawa ng search and rescue operation ang mga emergency services malapit sa Lake Mackenzie sa World Heritage-listed Fraser Island ng Queensland state coast noong Biyernes.

Madaling araw ng Sabado nang natagpuan ng mga pulis ang katawan ng mga nalunod.

Sinabi ni Police Inspector Tony Clowes, kailangang mag-ingat ang mga publiko kapag magswi-swimming sila sa mga Australian waters dahil may dalang panganib ang mga waterways sa bansang Australia.

Read more...