2 sugatan dahil sa pagsadsad ng truck sa Batangas

Tumagilid sa highway sa Malvar, Batangas ang isang trailer truck at sugatan ang drayber at pahinante nito noong Biyernes ng madaling araw.

Makikita sa kuha ng CCTV, tumilapon ang drayber ng truck at sumadsad ang truck sa kalsada.

Nagresulta ito ng pagkabali ng kaliwang kamay ng driver at sugatan naman ang pahinante ng truck.

Ayon sa may-ari ng truck, may kargang 40 toneladang trigo ang sasakyan na ipapadala sana sa Tanauan City.

Sa pahayag ng imbestigador ng Malvar police na si Patrolman Guiller Quimio, self accident ang nangyari dahil sa bigat ng karga ng truck ay nawalan ng kontrol ito at natumba.

Read more...