Criminology student, arestado sa isinagawang buy-bust sa Marikina

Arestado ang isang Criminology student sa isinagawang buy-bust sa Marikina dahil sa pagbebenta nito ng droga noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Marikina police, ang suspek na si Ariel Jhon Dumaguid, ‘alyas Ulo’ ay naaresto matapos mahulihang nagbebenta ng shabu sa isang undercover na pulis.

Nakuha kay Dumaguid ang anim na plastik ng sachet ng hinihinalang shabu, marked money na ginamit sa operasyon at isang coin purse.

Nasa Marikina Police headquarters si Dumaguid para harapin ang kaso niya sa paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Read more...