Mag-ama, arestado sa umano’y pagbebenta ng P500K na shabu sa Quezon City

Halos kalahating milyon na halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa mga suspek sa isinagawang entrapment operation sa isang apartment sa Quezon City, Sabado ng umaga.

Ayon sa mga pulis, isinagawa ang operasyon sa apartment ng mga suspek sa No. 22 Mapagmahal Street, Barangay Pinyahan, Diliman kaninang 1:50 ng madaling araw.

Ang mga suspek ay mag-ama at kinilala itong sina Jorge Simbulan, 52 anyos at si Jorge Michael Simbulan, 30 anyos.

Nasamsam sa kanila ang 81.30 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P552,840, isang timbangan, marked money na P1000 at P500; dalawang disposable lighters at dalawang cellphone.

Dinala ang mga suspek sa police station para mapasyahan ang kanilang haharaping mga kaso.

Read more...